Ika-5 ASEAN-China Media Week, binuksan sa Malaysia

2023-10-22 15:05:13  CMG
Share with:

Putrajaya, Malaysia — Sa pagtataguyod ng National Radio and Television Administration (NRTA) ng Tsina, Ministri ng Komunikasyon at Didyital ng Malaysia, at pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, pinasinayaan Oktubre 21, 2023 ang Ika-5 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-China Media Week.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Fahmi Fadzi, Ministro ng Komunikasyon at Didyital ng Malaysia, na ipinakikita ng nasabing aktibidad ang lakas ng kooperasyon at pag-uunawaan ng dalawang panig, at ito ay nagsisilbing plataporma sa pagpapasulong ng pagpapalagayang pangkultura at pagpapalalim ng pagkakaibigan.


Sa pamamagitan aniya ng tradisyonal na media, social media, at bagong-sibol na teknolohiya, nagiging mas mahigpit ang pag-uugnayang ASEAN-Sino.


Samantala, sinabi niyang hanga ang Malaysia sa mga natamong bunga ng Tsina sa teknolohiya ng 5G, didyital na ekonomiya, artipisyal na intelihensya (AI), multimedia at cybersecurity.

Umaasa siyang mapapalalim pa ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig.


Sa kabilang dako, para mainam at magkakasamang maikuwento ng Tsina at ASEAN ang mga istorya ng pagkakaibigan, sinabi ni Yang Xiaowei, Pangalawang Puno ng NRTA, na nakahandang ibahagi ng kanyang bansa ang pagkakataon ng pag-unlad sa mga media ng iba’t-ibang bansang ASEAN.


Ang Malaysia ang unang bansang ASEAN kung saan offline na idinaos ang ASEAN-China Media Week.


Salin: Lito

Pulido: Rhio