Isyu ng Palestina at Israel, pinag-usapan ng mga lider Turko at Hamas

2023-10-22 15:06:58  CMG
Share with:

Ipinahayag, Oktubre 21, 2023 (lokal na oras) ng palasyong pampanguluhan ng Turkiye na nag-usap sa telepono nang araw ring iyon sina Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng bansa at lider ng Islamic Resistance Movement (Hamas) hinggil sa pinakahuling situwasyon sa digmaang Palestina-Israel.


Sinabi ni Erdogan, na kasalukuyang nagsisikap ang Turkiye upang maigarantiya ang pagkapasok ng makataong-tulong sa Gaza Strip, at mapasulong ang pagkakaroon ng tigil-putukan ng mga nagsasagupaang panig.


Salin: Lito

Pulido: Rhio