Kooperasyong pangkalakalan sa ilalim ng BRI, palalakasin ng Tsina at GCC

2023-10-23 16:46:38  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at anim-na-miyembrong Gulf Cooperation Council (GCC), Oktubre 22, 2023, sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, ipinahayag ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na kasama ng GCC, magsisikap ang kanyang bansa para mapasulong ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan, at maisakatuparan ang bagong-lahad na walong mahalagang hakbang, para mapasulong sa bagong yugto ang dekalidad na kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI).

 


Aniya, kailangan ding i-ugnay ang BRI sa estratehiya ng pag-unlad ng mga miyembro ng GCC para mapalawak ang kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng didyital na ekonomiya, sustenableng pag-unlad, imprastruktura, at iba pa.

 

Magsisikap ang Tsina para marating ang kasunduan sa malayang kalakalan sa pagitan ng dalawang panig, dagdag niya.

 

Samantala, nagkaroon ng konsenso ang Tsina at GCC sa magkakasamang pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan, pagpapasulong ng two-way investment, pagpapalalim ng kooperasyon sa industrial at supply chain, pagpapasulong ng konektibidad, at pagpo-promote ng transpormasyon sa paggamit ng enerhiya, at iba pa.

 

Pagkatapos ng pulong, isang magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ang inilabas.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio