Pilipinas, hinimok ng Tsina na itigil ang probokasyon sa Ren’ai Jiao

2023-10-23 15:23:50  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpigil ng China Coast Guard (CCG) sa iligal na paghahatid ng construction material, sa sadyang-isinadsad na BRP Siera Madre sa Ren'ai Jiao, ipinahayag, Oktubre 22, 2023 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang mga aksyon ng CCG sa mga bapor ng Pilipinas ay propesyonal at alinsunod sa batas ng Tsina at pandaigdig na batas.

 

Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Pilipino na sundin ang mga pangako, at itigil ang probokasyon at mga mapanganib na aksyon sa dagat.

 

Dapat ihinto ng Pilipinas ang pandudungis sa imahe ng Tsina at alisin ang BRP Siera Madre sa Ren'ai Jiao sa lalong madaling panahon, dagdag ng tagapagsalita.

 

Aniya, ang Ren’ai Jiao ay bahagi ng teritoryo ng Tsina, at nananatiling nagtitimpi at nagpapasensya ang panig Tsino sa isyung ito.

 

Subalit, nagbulag-bulagan ang panig Pilipino sa katapatan at kabaitan ng panig Tsino at madalas na nagpapadala ng mga bapor papasok sa karagatan ng Ren’ai Jiao para magsagawa ng probokasyon, saad niya.

 

Ito aniya ay malubhang nakakapinsala sa teritoryo, soberanya at karapatang pandagat ng Tsina.

 

Saad ng tagapagsalita, patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang mga kinakailangang hakbangin batay sa domestiko at pandaigdigang batas para pangalagaan ang sariling teritoryo, soberanya at karapatang pandagat.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio