CMG Komentaryo: Paano tatahak ang luntiang landas tungo sa modernisasyong pandaigdig?

2023-10-23 11:44:46  CMG
Share with:

“Kaya tulungan nating lahat ang ‘Green Silk Road’ na maka-alis sa dating ‘dead end,’ patungo sa isang bagong landas na maghahatid ng benepisyo sa sangkatauhan at mundo.”


Ito ang winika ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idinaos kamakailan sa Beijing.


Ang lutian ay kulay ng magkakasamang konstruksyon ng “Belt and Road Initiative (BRI).”


Pinapahupa ng mga proyekto ng BRI ang problema ng kakulangan sa enerhiya sa mga lokalidad, at pinatataas ang proporsyon ng paggamit ng malinis na enerhiya – bagay na nagkakaloob ng malakas na suporta sa modernisasyon ng mga umuunlad na bansa.


Nitong 10 taong nakalipas, itinatag ng Tsina at mahigit 150 katuwang mula sa mahigit 40 bansa ang pandaigdigang alyansa ng luntiang pag-unlad, at naitatag din ng Tsina at 32 bansa ang partnership ng kooperasyong pang-enerhiya ng BRI.


Ang mga ito ay nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa pag-unlad ng mababang-karbong ekonomiya at sustenableng pag-unlad sa buong mundo.


Isa sa mga aksyong idineklara ng panig Tsino sa nasabing porum ay hinggil sa de-kalidad na konstruksyon ng BRI at pagpapasulong ng luntiang pag-unlad.


Dahil sa serye ng bagong hakbangin ng pagpapaunlad ng luntiang enerhiya sa proseso ng de-kalidad na konstruksyon ng BRI sa hinaharap, napakalaking ambag at lakas ang maibibigay para sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon at pagharap sa pagbabago ng klima sa buong mundo.


Tunay nitong mapoproteksyunan ang kinabukasan ng buong sangkatauhan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio