White paper ng Tsina hinggil sa pag-unlad ng distant-water fisheries, isinapubliko

2023-10-24 16:42:41  CMG
Share with:

Isinapubliko ngayong araw, Oktubre 24, 2023 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang "Development of China's Distant-Water Fisheries" para ibahagi ang karanasan ng Tsina hinggil sa pangangasiwa sa distant-water fisheries at pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon at pagpapalitan ng industriyang ito.


Inilahad ng white paper na ito ang ideya, paninindigan at patakaran ng Tsina hinggil sa pag-unlad ng distant-water fisheries at mga natamong bunga ng pagpapatupad ng Tsina ng mga may kinalamang kasunduan.


Anang white paper na kasama ng komunidad ng daigdig, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang sustenableng paggamit at pangangalaga sa dagat at yamang pandagat.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil