Xi Jinping: Patuloy na paggigiit ng Tsina sa neighborhood diplomacy

2023-10-24 16:40:57  CMG
Share with:

Sa kanyang nakasulat na mensahe ngayong araw, Oktubre 24, 2023 sa pandaigdigang simposyum hinggil sa neighborhood diplomacy ng Tsina, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pundamental na prinsipyo ng neighborhood diplomacy ng Tsina ay pagpapasulong ng pagkakaibigan at kooperasyon sa mga karatig na bansa.


Saad pa ni Xi, kasama ng mga bansang nasa paligid, nakahanda ang Tsina na patuloy na igiit ang neighborhood diplomacy para itatag ang isang mabait, ligtas at masaganang kapaligirang panrehiyon.


Ang tema ng simposyum ay "Amity, Sincerity, Mutual Benefit and Inclusiveness: New Dimensions, New Progress and New Vision" bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng prinsipyo ng neighborhood diplomacy ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil