Memorandum of cooperation sa pagitan ng CMG at Paris 2024 Olympics Organizing Committee, nilagdaan

2023-10-24 16:37:10  CMG
Share with:

Nilagdaan kahapon, Oktubre 23, 2023 sa Paris, Pransya ng China Media Group (CMG) at Paris 2024 Organizing Committee for the Olympic and Paralympic Games ang memorandum of cooperation hinggil sa pagkuha ng mga programa at pagpapalaganap ng Paris Olympics.


Sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na bilang Host Broadcaster ng Paris Olympics, gagamitin ng CMG ang sulong na teknolohiya na gaya ng “5G+4K” at “8K+AI” para ipagkaloob ang magagandang serbisyo ng audio at video para sa mga manonood ng Olympiyada.


Inilahad ni Tony Estanguet, Presidente ng nabanggit na komite, ang gawaing paghahanda ng Olimpiyada at pinasalamatan ang pagkatig ng CMG para sa Paris Olympics.

Nang araw ring iyon, nagtagpo sa Paris sina Shen at Rima Abdul-Malak, Ministro ng Kultura ng Pransya.


Bumati si Malaks sa komprehensibong kooperasyon ng CMG at Paris 2024 Olympics Organizing Committee.


Umaasa aniya siyang maisasagawa ng Ministri ng Kultura at CMG ang mas malawak na kooperasyon sa mga programa ng media, tradisyonal na kultura at digital arts.


Ipinahayag naman ni Shen na umaasa rin ang CMG na ibayo pang mapapalalim ang kooperasyon at pagpapalitan sa panig Pranses sa larangan ng kultura.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil