Sa paanyaya ni Secretary of State Antony Blinken ng Amerika, dadalaw si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Amerika mula Oktubre 26 hanggang 28, 2023.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Oktubre 24, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kanyang pananatili sa Amerika, malalimang magpapalitan si Wang at ang mga mataas na opisyal ng Amerika ng palagay hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Isasagawa rin ni Wang ang mapagkaibigang pagpapalitan sa mga tauhan ng iba’t ibang sektor ng Amerika para ipaliwanag ang paninindigan at tamang pagkabahala ng panig Tsino sa relasyong Sino-Amerikano, dagdag ni Mao.
Saad pa ni Mao na umaasa ang panig Tsino na magkasamang maisasakatuparan ng Tsina at Amerika ang mahalagang palagay ng pangulo ng dalawang bansa, mapapahigpit ang diyalogo at pag-uugnayan, mapapalawak ang aktuwal na kooperasyon, maayos na hahawakan ang mga hidwaan, at mapapasulong ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa landas ng matatag at malusog na pag-unlad.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil