CMG: Amerika, walang kapangyarihan sa pakikialam sa isyu ng SCS

2023-10-25 17:49:45  CMG
Share with:

 

Kamakailan, naging maigting ang tensyon ng isyu ng Ren’ai Jiao ng South China Sea (SCS).

 

Bilang bansa sa labas ng rehiyong ito, inilabas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang pahayag na pinuna ang aksyon ng Tsina sa pangangalaga ng soberanya at karapatang pandagat.

 

Bukod dito, ipinahayag naman ng panig Amerikano ang pagsuporta sa Pilipinas batay sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng dalawang bansa.

 

Sa katotohanan, ang isyu ng Ren’ai Jiao ay bilateral na isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas at walang kinalaman ang Amerika. Kaya walang kapangyarihan ang Amerika na makialam sa isyung ito.

 

Kaugnay ng isyu ng SCS, narating na ng Tsina at mga bansa ng ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, ang maayos na ugnayan para lutasin ang mga hidwaan at isyung ito sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo at talastasan ng mga kasangkot na bansa.

 

Ibig-sabihin, ang mga aksyon at pananalita ng Amerika ay nakakapinsala sa komong palagay ng Tsina at mga bansang ASEAN at hindi nakakatulong sa mapayapang paglutas sa isyu ng SCS.

 

Kung sasariwain ang kasaysayan ng Amerika at kanyang mga kaibigan at kaalyadong bansa, tunay na hindi isinasaalang-alang at pinangalagaan ng Amerika ang kapakanan ng kanyang mga kaibigan at kaalyadong bansa.

 

Halimbawa, itinakwil ng Amerika ang kanyang alyansa sa Timog Biyetnam, at Afghanistan. Ang pinakahuling halimbawa ay ang krisis ng Ukraine, ginamit ng Amerika ang Ukraine para isakatuparan ang pangbabatikos sa Rusya at pagkuha ng kapakanan mula sa Europa.

 

Kaya, tunay na hindi tutulungan ng Amerika ang Pilipinas kung magaganap ang sagupaan sa SCS, kahit may MDT ang Amerika at Pilipinas, at itinalaga ng Amerika ang baseng militar nito sa Pilipinas.

 

Bukod dito, kaugnay ng isyu ng SCS, narating na ng Tsina at mga bansang ASEAN na gaya ng Pilipinas ang komong palagay hinggil sa mapayapang paglutas sa isyung ito, kaya dapat patuloy na igiit ng Tsina at Pilipinas ang landas ng mapayapang paglutas sa isyung ito at magkasamang magsikap sa halip ng pagsasagawa ng anumang probokasyon sa isyung ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil