Premyer Tsino, nasa Bishkek

2023-10-25 11:28:14  CMG
Share with:

 

Sa imbitasyon ni Akylbek Japarov, Punong Ministro ng Kyrgyzstan, dumating kahapon, Oktubre 24, 2023 sa Bishkek, Kyrgyzstan si Premyer Li Qiang ng Tsina para dumalo sa ika-22 pulong ng puno ng pamahalaan ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at magsagawa ng dalaw-pang-estado sa bansang ito.

 

Ipinahayag ni Li na ang kanyang pagdalaw sa Kyrgyzstan ay naglalayong palalimin ang pagtitiwalaan, kooperasyon at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Aniya, umaasa ang Tsina na magkasamang mapapasulong, kasama ng mga kasaping bansa ng SCO, ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.

 

Ipinahayag naman ni Akylbek Japarov, na kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang pagpapalagayan sa iba’t ibang larangan, pasulungin ang konstruksyon ng Belt and Road Cooperation at katatagan at kaunlaran ng Gitnang Asya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil