“Istorya ni Xi Jinping,” isinapubliko sa buong mundo

2023-10-26 15:14:06  CMG
Share with:

Pormal na isinapubliko kamakailan sa Frankfurt, Alemanya ang podcast na pinamagatang “Istorya ni Xi Jinping” sa iba’t-ibang wika at iba pang produktong pangmulti-media na gawa ng China Media Group – China Global Television Network (CMG-CGTN).


Kaugnay nito, kasalukuyang ini-ere ang nasabing mga produkto sa mahigit 60 pangunahing media ng iba’t-ibang bansang Europeo.

Bukod pa riyan, inilathala rin ng mahigit 80 dayuhang pangunahing media na tulad ng pahayagang EU Reporter, Entrepreneur Media Group ng Pransya, Deutsche Presse Agentur, Capital Radio Spain, Rossiyskaya Gazeta, Leral TV Senegal, at Red Contacto ang mga artikulo hinggil sa nasabing podcast at mga multi-media product.


Ito ang unang podkast na isinapubliko sa mga dayuhang bansa na nagtatampok sa karanasan at istorya ni Xi Jinping sa kanyang pananatili sa Zhengding, Fujian, Zhejiang, at Shanghai.


Salin: Lito

Pulido: Rhio