Kooperasyong Sino-Ruso, di-nakatuon sa ikatlong panig — premyer Tsino

2023-10-26 15:16:07  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Bishkek, Kyrgyzstan, Oktubre 25, 2023 (lokal na oras) kay Punong Ministro Mikhail Mishustin ng Rusya, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na ang kooperasyong Sino-Ruso ay hindi nakatuon sa ikatlong panig.


Ani Li, nakahandang magsikap ang panig Tsino kasama ng panig Ruso upang isulong ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, at enerhiya; pabutihin ang pagpapalitan sa edukasyon at iba pang larangan; at gawing mas mainam ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa makabagong panahon.


Ipinahayag naman ni Mishustin na nasa pambihirang mataas na lebel ang kasalukuyang relasyong Ruso-Sino.


Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang panig Ruso na isakatuparan ang mahahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio