Relasyon ng Tsina at Colombia, itinaas sa estratehikong partnership

2023-10-26 11:11:11  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Oktubre 25, 2023 sa Beijing, ipinatalastas nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Gustavo Francisco Petro Urrego ng Colombia ang pagtataas ng relasyon ng dalawang bansa sa antas ng estratehikong partnership.

 

Tinukoy ni Xi na ang estratehikong partnership ng dalawang bansa ay bunga ng magkasamang pagsisikap, pagtitiwalaan at kooperasyon sa loob ng mahabang panahon.

 

Suporatdo ng Tsina ang prosesong pangkapayapaan ng Colombia, dagdag ni Xi.

 

Naniniwala ang pangulong Tsino, na ang de-kalidad na pag-unlad at konstruksyon ng modernong Tsina ay magdudulot ng bagong pagkakataon ng pag-unlad ng iba’t-ibang bansang gaya ng Colombia.

 

Para rito, inaasahan ni Xi, na agarang sasali ang Colombia sa Belt and Road Initiative (BRI) para isakatuparan ang komong kasaganaan.

 

Ipinahayag naman ni Petro na nakahanda ang Colombia na ipag-ugnay ang sariling estratehiya ng pag-unlad at BRI, para mapagbuti ang kooperasyon sa imprastruktura at malinis na enerhiya.

 

Welkam aniyang magnegosyo sa Columbia ang mga bahay-kalakal ng Tsina para magkaroon ng balanseng pag-unlad ang bilateral na kalakalan ng dalawang bansa.

 

Dagdag niya, nakahanda ring isulong ng Colombia ang relasyon ng Tsina at Latin Amerika.

 

Matapos ang pag-uusap, magkasamang sinaksihan nina Xi at Petro ang paglagda sa mga dokumento ng kooperasyon.

 

Isang makasanib na pahayag hinggil sa pagtataas ng relasyon sa estratehikong partnership ang isinapubliko rin ng dalawang panig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio