Gobernador ng California, kinatagpo ni Xi Jinping

2023-10-26 11:08:59  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon, Oktubre 25, 2023 sa Beijing kay Gobernador Gavin Newsom ng Estado ng California, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping, na konsistente ang pakataran ng Tsina sa Amerika, na paggalang sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon.

 

Sinabi ni Xi, na lubos niyang pinahahalagahan at kinakatigan ang pagpapalagayan at kooperasyon sa pagitan ng iba’t-ibang sektor at lokalidad ng dalawang bansa, at umaasa siyang sa pamamamagitan ng pagbisita ni Newsom, mapapalalim ang pagkaka-unawaan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa, mapapalawak ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at California, at mapapasulong ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Dagdag ni Xi, malaki ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa berdeng pag-unlad at pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Ipinahayag naman ni Newsom, na ang pagpapalitan ng mga lokalidad ng dalawang bansa ay mahalagang bahagi ng relasyong Amerikano-Sino, at nakahanda siyang pasulungin ang kooperasyon ng California at Tsina, lalung-lalo na sa larangan ng bagong enerhiya at pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Nais ng California na maging pangmatagalan, matatag at malakas na partner ng Tsina, dagdag ng gobernador.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio