Journey through Civilization ng CMG, inilunsad sa Geneva

2023-10-27 14:14:54  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Oktubre 26, 2023 sa Geneva, Switzerland, ang seremonya ng paglulunsad ng pagtatanghal ng China Media Group (CMG) na pinamagatang Journey through Civilization.


Ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ginamit ng pagtatanghal na Journey through Civilization ang bagong teknolohiyang digital para mas magandang ipakita ang kaakit-akit na sibilisasyong Tsino sa mga manonood sa loob at labas ng Tsina.


Ani Shen, kasama ng iba’t ibang mga kaibigan, nakahanda ang CMG na pasulungin ang pagpapalitan ng kultura at tao-sa-tao ng iba’t ibang bansa.


Bumati si Francesco Pisano, Puno ng Cultural Activity Programme ng United Nations (UN) sa Geneva, sa pagbubukas ng pagtatanghal ng CMG.


Umaasa aniyang siyang sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, mararamdaman ng mga kanluraning manonood ang dibersidad ng kulturang Tsino at mapapasulong ang pagkakaunawaan sa pagitan ng iba’t ibang sibilisasyon.


Nang araw ring iyon, bumisita si Shen sa Tanggapan ng UN sa Geneva.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil