CMG at WIPO, pagpapahigpit ng kooperasyon

2023-10-27 14:16:38  CMG
Share with:

Nilagdaan kahapon, Oktubre 26, 2023 sa Geneva ng China Media Group (CMG) at World Intellectual Property Organization (WIPO) ang intent letter para pahigpitin ang kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng pangangalaga at pagpapalaganap ng intellectual property rights (IPR), at pagsasagawa ng pandaigdigang aktibidad ng pagpapalitan.


Ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na palagiang aktibong pinapasulong at pinalalaganap ng CMG ang pangangalaga sa IPR at nakinabang rin ang CMG mula rito.


Ani Shen, kasama ng WIPO, nakahanda ang CMG na palalimin ang kooperasyon, magkasamang harapin ang pagkakataon at hamon na dulot ng mabilis na pag-unlad ng mga bagong teknolohiya ng digital, at sa pamamagitan ng papel ng media, pasulungin ang pag-unlad ng pandaigdigang sistema ng pangangasiwa sa IPR patungo sa direksyong mas makatarungan at makatwiran.


Pinasalamatan ni Director General Daren Tang ng WIPO ang pagsisikap ng CMG para sa pangangalaga sa IPR.


Umaasa aniya siyang maisasagawa ng WIPO at CMG ang malalimang kooperasyon, at magkasamang magsisikap para itatag ang pandaigdigang tadhana ng IPR na bukas, may pagbibigayan, balanse at may kapakinabangan ng lahat.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil