Oktubre 28, 2023 (lokal na oras), Washington D.C. – Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga miyembro ng estratehikong komunidad ng Amerika, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na sa ilalim ng atityud ng pagkakapantay-pantay at paggagalangan, nagkaroon ng malalim, konstruktibo, at substansyal na koordinasyon ang panig Tsino at Amerikano sa mga isyung pinahahalagahan.
Magkasanib din aniyang inilabas ng dalawang bansa ang positibong senyal sa pagpapatatag at pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano.
Sa kabila ng iba’t-ibang uri ng pagkakaiba, nagkonsenso ang kapuwa panig na nakakabuti at kinakailangan ang pagpapanatili ng diyalogo, saad niya.
Ani Wang, hanga siya sa ginagawang pagsisikap ng lahat ng may-kinalamang personahe para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Umaasa aniya siyang patuloy na ihahayag ng mga miyembro ng estratehikong komunidad ng Amerika ang rasyonal na tinig at gaganap ng konstruktibong papel sa pagbibigay ng mas maraming katalinuhan sa malusog, matatag, at sustenaleng pag-unlad ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na Amerikano, na angkop sa kapakanan ng kapuwa panig ang matatag na relasyong Amerikano-Sino.
Sa harap ng problema sa heopulitika at di-matatag na kalagayang pandaigdig, lubha anilang mahalaga ang koordinasyon ng Amerika at Tsina upang mapangasiwaan ang mga pandaigdigang hamon.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa, pinansiya, siyensiya’t teknolohiya, pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura, kapaligirang pampamumuhunan ng Tsina, situwasyon sa Gitnang Silangan, krisis ng Ukraine, at iba pa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio