“Pagsasarili ng Taiwan,” pinakamalaking hamon sa relasyong Sino-Amerikano — Wang Yi

2023-10-29 14:56:41  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Oktubre 27, 2023 (lokal na oras), sa Washington D.C. kay Jake Sullivan, Pambansang Tagapayong Panseguridad ng Amerika, tinukoy ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang usapin ng “pagsasarili ng Taiwan” ay pinakaseryosong hamon sa relasyong Sino-Amerikano at pinakamalaking balakid sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.


Kaya, dapat matatag itong tutulan sa pamamagitan ng kongkretong patakaran at aksyon, ani Wang.


Hinggil dito, sinabi ni Wang, na inilahad na ng Tsina ang solemnang posisyon sa isyu ng South China Sea.


Samantala, sumang-ayon ang kapuwa panig na magkasamang magsikap para maisakatuparan ang pag-uusap ng mga lider ng dalawang bansa sa San Francisco, Amerika.


Salin: Lito

Pulido: Rhio