Taikonaut ng Shenzhou-16, nakatakdang bumalik sa Mundo

2023-10-30 15:51:13  CMG
Share with:

 

Ipinahayag, Oktubre 29, 2023 ng China Manned Space Agency (CMSA) na inilipat na ng mga taikonaut ng Shenzhou-16 ang kontrol sa Tiangong space station sa mga tripulante ng Shenzhou-17.

 

Anito pa, ang mga taikonaut ng Shenzhou-16 ay babalik sa Mundo sa Oktubre 31.

 

Samantala, naghahanda naman ang Dongfeng Landing Site sa Inner Mongolia Autonomous Region ng Tsina para salubungin ang pagbalik ng naturang mga taikonaut.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio