Dokumento ng kooperasyon, nilagdaan ng CMG, CCGAC, at IOA

2023-10-30 15:15:01  CMG
Share with:

Athens, Gresya — Isang dokumento ng kooperasyon ang nilagdaan, Oktubre 28, 2023 (lokal na oras) ng China Media Group (CMG), Center of Chinese and Greek Ancient Civilizations (CCGAC), at International Olympic Academy (IOA) upang isulong ang pagpapalitang pansibilisasyon ng Tsina at Gresya, at palaganapin ang diwa ng Olimpiyada.

Kasama nina Stelios Virvidakis, Puno ng Greek Board of Directors ng CCGAC, at Isidoros Kouvelos, Presidente ng IOA, magkahiwalay na nilagdaan ni Presidente Shen Haixiong ng CMG ang nasabing dokumento.


Samantala, ipinadala naman ni Punong Ministro Kyriakos Mitsotakis ng Gresya ang mensaheng pambati sa pagkakalagda sa memorandum.

Binubuo ng maraming unibersidad ng Tsina at Gresya, itinatatag Pebrero 20, 2023 ang CCGAC.


Layon nitong palakasin ang kooperasyon sa pananaliksik ng mga sibilisasyon ng kapuwa bansa, pasulungin ang pagpapalagayang pansibilisasyon ng Tsina at Gresya, at paunlarin ang sibilisasyon ng iba’t-ibang bansa.

Sa kabilang dako, ang IOA ay isang organong nagsasagawa ng akademikong pananaliksik at edukasyon tungkol sa Olimpiyada.


Ito ay itinatag noong 1961.


Salin: Lito

Pulido: Rhio