Labi ni Li Keqiang, aabuhin sa Nobyembre 2

2023-10-31 16:16:45  CMG
Share with:

Aabuhin sa Beijing, Nobyembre 2, 2023 ang mga labi ni Kasamang Li Keqiang, dating Premyer ng Tsina.

 

Si Li ay pirmihang kagawad din ng Pulitburo ng ika-17, ika-18 at ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Bilang pakikidalamhati, ilalagay Huwebes sa kalahating tagdan o half-mast ang mga pambansang watawat sa Tian’anmen Square, Xinhuamen, Great Hall of the People, Ministring Panlabas sa Beijing, kinaroroonan ng mga komite ng CPC at pamahalaan ng mga lalawigan, rehiyong awtonomo at mulisipalidad, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao, mga border port, puwerto at paliparan, at mga pasuguan at konsuladong Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin