Ika-10 Beijing Xiangshan Forum, ipininid na

2023-10-31 15:40:04  CMG
Share with:

Ipininid, Oktubre 31, 2023 sa International Convention Center, Beijing ang Ika-10 Beijing Xiangshan Forum.


Sa kanyang talumpati sa porum, ipina-abot ni Zhang Youxia, Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina ang pag-asa ng People’s Liberation Army (PLA) na magtutulungan at magpupunyagi ang iba’t-ibang panig upang mapalalim ang pagtitiwalaang panseguridad, mapabuti ang estrukturang panseguridad, mapalakas ang pangangasiwang panseguridad, mapasulong ang kooperasyong panseguridad, magkakasamang maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang seguridad ng sangkatauhan, at makapaghatid ng mas maraming katiyakan, katatagan, at positibong puwersa sa buong mundo.


Dagdag niya, ang isyu ng Taiwan ay pinakanukleong kapakanan ng Tsina.


Hinding-hindi pahihintulutan ng PLA na humiwalay ang Taiwan sa Tsina, diin niya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio