Pagpasok ng barko de giyera ng Pilipinas sa Huangyan Island, ilegal – PLA

2023-10-31 15:40:50  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpasok, Oktubre 30, 2023 ng isang barko de giyera ng Pilipinas sa karagatang nakapaligid ng Huangyan Island, ipinahayag ni Tian Junli, Tagapagsalita ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army (PLA), na alinsunod sa batas, sinundan, binalaan, at hinadlangan ng panig Tsino ang nasabing pandigmang bapor.


Sinabi niya na ang aksyon ng panig Pilipino ay grabeng lumapastangan sa soberanya ng panig Tsino, at labag sa pundamental na norma ng pandaigdigang batas.


Nananawagan aniya ang panig Tsino sa panig Pilipino na agarang itigil ang probokatibong aksyon upang maiwasan ang ibayong paglala ng situwasyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio