Sa ginanap na study session ng pamahalaang Tsino kahapon, Oktubre 31, 2023, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na ganap na isasakatuparan ng Tsina ang estratehiya ng konstruksyon ng sulong na bansa sa intellectual property para palakasin ang pag-unlad na may pundasyon ng inobasyon.
Sinabi ni Li na may espeyal na kabuluhan ang estratehiyang ito sa pagpapalakas ng pangunahing kompetisyon ng bansa at pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas.
Upang katigan ang komprehensibong inobasyon, dapat pabilisin ang pagtatatag ng sistema ng batas, pangangasiwa, at pagbabalangkas ng mga patakaran na angkop sa bagong teknolohiya, at ilatag ang matatag na pundasyon para sa pagbubukas ng bagong landas ng pag-unlad ng industriya, ani Li.
Dagdag pa ni Li na dapat gamitin ang mga bagong teknolohiya at paraan na gaya ng big data at artificial intelligence para itatag ang isang pambansang plataporma ng digital na serbisyong pampubliko para sa intellectual property.
Bukod dito, sinabi ni Li na dapat aktibong pasulungin ang pandaigdigang pagpapalitan at kooperasyon ng intellectual property at maayos na hawakan ang mga pandaigdigang hidwaang may kinalaman sa intellectual property rights (IPR).
Salin: Ernest
Pulido: Ramil