Sumagot kamakailan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa liham ni Pedro A. Valdes-Sosa, siyentista ng Cuba.
Sa kanyang mensahe, bumati si Xi sa natamong bunga ni Valdes-Sosa sa siyentipikong pananaliksik at pagpapasulong ng kooperasyong Sino-Cubano.
Idiniin ni Xi na ang kooperasyong pandaigdig sa siyentipikong pananaliksik ay pangunahing tunguhin ng daigdig at kinakailangan ng iba’t ibang bansa ang inobasyon ng siyensiya’t teknolohiya para magkakasamang pasulungin ang kayapayaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Tinukoy ni Xi na mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng Tsina at Cuba at taos-pusong umaasa siyang walang humpay na mapapalalim ang kooperasyong Sino-Cubano sa iba’t ibang larangang gaya ng siyensiya’t teknolohiya sa hinaharap para mas magandang makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nauna rito, nagpadala si Valdes-Sosa ng liham kay Xi para ilahad ang mga natamong bunga ng kanyang grupo sa pagpapasulong ng pananaliksik ng brain-science sa Tsina at kooperasyong Sino-Cubano sa neurotechnology.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil