Tsina, tagapangulo ng UNSC ngayong Nobyembre

2023-11-02 16:18:42  CMG
Share with:

Ang Tsina ang siyang tagapangulo ng United Nations Security Council (UNSC) sa buwan ng Nobyembre.

 

Ito ang ipinahayag ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN.

 

Dagdag niya, ang isyu ng Palestina at Israel ang pangunahing pokus ng gawain ng UNSC sa buwang ito.

 

Ang kasalukuyang pangunahing gawain ay pagpapasulong ng tigil-putukan sa pagitan ng dalawang panig para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga sibilyang kasuwalti at paglalala ng makataong krisis, saad niya.

 

Masikap aniyang isusulong ng Tsina, kasama ng iba’t-ibang may kinalamang panig, ang paggamit ng responsible at makabuluhang grupong aksyon.


Sa panukala ng Tsina, isang pampublikong debate hinggil sa "Pagsusulong ng Pangmatagalang Kapayapaan sa Pamamagitan ng Magkasamang Pag-unlad" ang idaraos sa ika-20 ng Nobyembre.


Maliban sa nasabing usapin, susuriin din ng UNSC ang iba pang mga isyung gaya ng Syria, Yemen, Bosnia, at iba pa ngayong buwan.


Labinlimang miyembro ng UNSC ang nagpapalitan bilang tagapangulo, at ang termino ng bawat isa ay tumatagal ng isang buwan.


Ang huling pagkakataong naging pangulo ng konseho ang Tsina ay noong Agosto 2022.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio