Mas marami pang agrikultural na produktong Pilipino, inaasahang mailuluwas sa Tsina –direktor ng DA Region 11

2023-11-02 10:18:00  CMG
Share with:


Kaugnay ng pagpapasulong sa kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa kalakalan ng prutas, sinabi ni Abel James Monteagudo, Direktor ng Rehiyonal na Tanggapan 11 ng Kagawaran ng Agrikultura (DA Region 11), na sinisikap ng dalawang bansa na pahuyasin ang kasunduan, hindi lamang para sa mga sariwang produkto, kundi para sa mga naproseso.

 

Sa eksklusibong panayam ng China Media Group – Filipino Service (CMG-FS), ipinahayag ni Monteagudo ang kasiyahan sa pagbubukas ng pinto ng Tsina sa mga sariwang prutas mula sa Pilipinas. Inaasahan niyang mas marami pang agrikultural na produktong Pilipino ang mailuluwas sa Tsina, na gaya ng mangosteen, papaya, abokado at iba’t-iba pang mga processed at agro-based product.



Video: Kulas

Pulido: Ramil/ Jade