Xi Jinping, nagpadala ng mensahe sa China-U.S. Sister Cities Conference

2023-11-03 15:31:01  CMG
Share with:

Nagpadala ngayogn araw, Nobyembre 3, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe sa ika-5 Sister Cities Conference ng Tsina at Amerika.


Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na ang pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano ay pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at ang sister cities ay mahalagang plataporma ng pagpapalalim ng ganitong pagkakaibigan at pagsasakatuparan ng win-win na sitwasyon.


Idiniin ni Xi na ang China-U.S. Sister Cities Conference ay mahalagang mekanismo ng pagpapalitan sa pagitan ng mga lokalidad ng dalawang bansa at gumaganap ito ng positibong papel para sa pagpapasulong ng pag-unlad at kooperasyon ng mga sister cities ng dalawang bansa.


Umaasa aniya siyang patuloy na gaganap ng mas malaking papel ang mga kalahok na panig ng pulong na ito para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano at makalikha ng mas maraming benepisyo para sa kanilang mga mamamayan.


Ang ika-5 Sister Cities Conference ng dalawang bansa ay idinaos nang araw ring iyon sa lunsod Suzhou ng lalawigang Jiangsu.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil