Premyer Tsino at PM ng Australia, nag-usap

2023-11-08 16:16:48  CMG
Share with:

Nag-usap kahapon ng umaga, Oktubre 7, 2023, sina Premyer Li Qiang ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministrong Anthony Albanese ng Australia.

Premyer Li Qiang ng Tsina at  Punong Ministrong Anthony Albanese ng Australia (photo from Xinhua)


Ipinahayag ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Australia, para lalo pang palakasin ang diyalogo at komunikasyon, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa’t isa, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, para pasulungin ang pangmatagalan at malusog na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Australia, at likhain ang mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. 


Samantala, ipinahayag ni Albanese na nananangan ang Australia sa patakarang isang Tsina, nakahanda ang Australia na pabutihin, kasama ng Tsina ang pag-uunawaan sa isa’t isa, maayos na kontrolin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at komunikasyon, magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamong tulad ng pagbabago ng klima, pangalagaan ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig, at pasulungin ang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Australia tungo sa positibo, matatag, at konstruktibong direksyon. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil