Op-ed: Kooperasyon tungo sa panalu-nalong resulta, palagiang pangunahing tunguhin ng relasyong Sino-Pilipino

2023-11-09 11:13:47  CMG
Share with:

Binuksan Nobyembre 5, 2023 sa Shanghai ang Ika-6 na China International Import Expo (CIIE) na may temang “New Era, Shared Future.”

Bilang unang import-themed ekspo sa antas ng estado sa buong mundo, malaking katuturan ang CIIE para sa kabuhayan ng Tsina at daigdig.


Sa kanyang mensahe sa Ika-6 na CIIE, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul noong 2018, matagumpay na idinaos ang 5 beses na CIIE. Sa pamamagitan ng mga bentahe ng malalaking merkadong Tsino, ibinigay ng CIIE ang positibong ambag para sa pagpapabilis ng pagtatatag ng bagong kayariang pangkaunlaran at pagpapasulong ng kabuhayang pandaidig.

Sa panahon ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tsina noong unang dako ng kasalukuyang taon, nilagdaan ng Pilipinas at Tsina ang 14 na bilateral na dokumentong kinabibilangan ng pag-aangkat ng Tsina ng durian mula sa Pilipinas.


Ang Pilipinas ay naging ika-3 bansang nakakuha ng pahintulot sa pagluluwas ng durian sa Tsina, kasunod ng Thailand at Biyetnam.

Mga opisyal Pilipino sa pagbubukas ng Pabilyon ng Pilipinas

Pabilyon ng Pilipinas sa Ika-6 na CIIE

Sa kasalukuyang taon, nilahukan ng delegasyong Pilipino na binubuo ng 20 kompanya ang CIIE at naging pangunahing tampok ang durian dito.

Mula sa kaliwa: Glenn Peñaranda, Ceferino Rodolfo, at Ana Abejuela

Sa panayam ng mamamahayag ng China Media Group-Filipino Service (CMG-FS), ipinahayag ni Ceferino S. Rodolfo, Undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI), na ang Tsina ay isa sa pinakamalaking merkado ng konsumo sa buong mundo. Umaasa aniya ang Pilipinas na sa pamamagitan ng ekspong ito, ipo-promote ang mas maraming primera klase at masarap na produktong agrikultural na may katangiang Pilipino na tulad ng durian, sa merkadong Tsino.


Nilahukan 6 na beses ng Pilipinas ang CIIE at nagsisilbi itong isang mahalagang plataporma para ipasok ng mga kompanyang Pilipino ang mga may-bentahe, may-katangian, at may-kompetisyong paninda at serbisyo sa merkadong Tsino.


Sa panayam, ipinahayag din nina Glenn Peñaranda, Trade Consul ng Pilipinas sa Shanghai at Ana Abejuela, Agricultural Counselor ng Pilipinas sa Beijing, na nagkakaloob ang taunang CIIE ng malaking pagkakataon ng pag-unlad para sa Pilipinas, lumilikha ito ng mas maraming trabaho, at tinutulungan nito ang mga magsasakang Pilipino na magkaroon ng mas magandang pamumuhay.


Samantala, inihayag nilang ang CIIE ay nakakapagpalalim sa ugnayan ng mga kompanyang Pilipino at Tsino, at mas maraming kompanyang Tsino ang namumuhunan sa Pilipinas upang ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad.


Kung pag-uusapan ang napagkasunduang halaga ng delegasyong Pilipino sa kanilang paglahok sa CIIE, mula 124 na milyong USD noong unang CIIE, hanggang 389.7 milyong USD noong Ika-2 CIIE, hanggang 655.15 milyong USD noong nagdaang CIIE, ang CIIE ay naging unang ekspo kung saan nakamit ng Pilipinas ang mahigit 600 milyong USD sa buong daigdig noong isang taon.

Mga produktong naka-eksibit sa Pabilyon ng Pilipinas

Ayon sa “Manila Bulletin” noong Nobyembre 7, 2023, ipinakikita ng datos ng Department of Trade and Industry (DTI) na noong unang araw ng pagsali ng delegasyong Pilipino sa Ika-6 na CIIE, umabot na sa 7 milyong USD ang bolyum ng pagbili nito.


Ayon kay Glenn Peñaranda, 700 milyong USD na bolyum ng pagbili ang hangarin ng delegasyong Pilipino sa Ika-6 na CIIE.

Mga mamimili at negosyanteng Tsino na dumadalaw sa Pabilyon ng Pilipinas

Nang pumasok sa pambansang pabilyon ng Pilipinas, nakikitang paborableng paborable ang mga produktong Pilipino para sa mga mamimiling Tsino.

Si Imelda Madarang, Chief Executive Officer (CEO) ng Fisherfarms Incorporated

Si Rebeca Gacayan, May-ari ng Gacayan General Merchandise

Taglay ang kani-kanilang may-katangiang produkto, sina Imelda Madarang, Chief Executive Officer (CEO) ng Fisherfarms Incorporated, Rebeca Gacayan, May-ari ng Gacayan General Merchandise, Dolores Lazarus, May-ari ng Gerb Golden Hands Corporation, at Emmanuel Belviz, Presidente ng Durian Association ng Davao City at May-ari ng Belviz Farms at Rosario’s Delicacies, ay abala-abalang tumatanggap ng mga mamimiling Tsino.

Si Dolores Lazarus, May-ari ng Gerb Golden Hands Corporation

Si Emmanuel Belviz, Presidente ng Durian Association ng Davao City at May-ari ng Belviz Farms at Rosario’s Delicacies

Nang kapanayamin ng mamamahayag ng CMG-FS, magkakasunod nilang ipinahayag ang pasasalamat sa CIIE sa pagkakaloob ng napakalaking pagkakataon ng pag-unlad sa kanila.


Sinabi nila na sa pamamagitan ng CIIE, ibayo pang nakakapasok ang mga produktong agrikultural ng Pilipinas na gaya ng durian, saging, at kape sa pamilihang Tsino. Ito anila ay hindi lamang nakakatulong sa pag-u-upgrade ng kaukulang industriya ng bansa, kundi nakakatulong sa mga buhay ng mga Pilipinong tagapagluwas, mangingisda, magsasaka at ekonomiya ng bansa.

Naunang isiniwalat ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas na pinaplano ng bansa na magluwas ng di-kukulangin sa 54 na libong toneladang primera klaseng durian sa Tsina.


Kaugnay nito, ipinahayag ni Ana Abejuela na walang patid na pinapabuti ng Kagawaran ng Agrikultura, Durian Association ng Davao City, mga nagtatanim ng durian, at mga tagapagluwas ang proseso ng pagkontrol sa kalidad upang maigarantiyang maging de-kalidad at masarap ang mga iniluluwas na durian sa Tsina.


Sa kasalukuyan, di sapat ang lakas sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, kaya kailangang magkapit-bisig na magpunyagi ang iba’t-ibang bansa para hanapin ang komong kaunlaran.


Sa kabila ng pagkakaiba ng Tsina at Pilipinas sa isyu ng South China Sea, may mahigit isang libong taong kasaysayang pangkaibigan at pag-uugnayang pangkalakalan ang dalawang bansa.


Pananalig na matibay na mahahawakan ng kapuwa panig ang pangunahing tunguhin ng kooperasyon tungo sa panalu-nalong resulta upang mapagtagumpayan ng komong hangaring pangkaunlaran ang di-paborableng elementong pulitikal at magkasamang likhain ang mas magandang kinabukasan ng relasyong Pilipino-Sino.


May-akda / Salin: Lito

Pulido: Ramil