Sa sidelines ng joint Islamic-Arab extraordinary summit sa Riyadh, nagtagpo Nobyembre 11 (lokal na oras), 2023 sina Saudi Crown Prince at Prime Minister Mohammed bin Salman at Presidente Ebrahim Raisi ng Iran.
Sapul nang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Saudi Arabia at Iran sa kasalukuyang taon, ito ang unang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.
Naputol ang relasyong diplomatiko ng Saudi Arabia at Iran noong taong 2016. Sa ilalim ng medyasyon ng Tsina, nag-usap noong nagdaang Marso sa Beijing ang mga kinatawan ng dalawang bansa, at nilagdaan at inilabas ng Tsina, Saudi Arabia, at Iran ang magkakasanib na pahayag kung saan sinang-ayunan ng huling dalawang bansa ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko.
Noong Abril 6, lumagda ang Saudi Arabia at Iran sa magkasanib na pahayag na nagdeklara ng pagpapanumbalik ng kanilang relasyong diplomatiko.
Salin: Lito