Ipinalabas Nobyembre 11 (lokal na oras), 2023 ng Ministring Panlabas ng Saudi Arabia ang resolusyong pinagtibay ng Joint Arab-Islamic summit tungkol sa isyu ng Palestina.
Kinondena ng resolusyon ang mga atakeng inilunsad ng Israel sa Gaza Strip at kanlurang pampang ng Ilog Jordan, inulit ang suporta sa karapatan ng kalayaan at pagsasarili ng mga mamamayang Palestino sa lahat ng kanilang sinakop na teritoryo, at binigyang-diin ang nukleong katayuan ng isyu ng Palestina sa mga bansang Arabe-Islamiko.
Kinondena ng resolusyon ang “war crimes” ng Israel sa Gaza Strip. Hinimok nito ang United Nations Security Council (UNSC) na isagawa ang “binding resolution” upang pigilan ang isinasagawang atake ng Israel sa Gaza.
Bukod pa riyan, sinuportahan ng resolusyon ang agarang pagkakaloob ng Ehipto ng tulong sa Gaza, at hinimok din ang lahat ng bansa na itigil ang pagluluwas ng mga sandata sa Israel.
Idinaos nang araw ring iyon sa Riyadh, kabisera ng Saudi Arabia ang Joint Arab Islamic Extraordinary Summit.
Salin: Lito