Nagtanghal sa National Centre for the Performing Arts, Beijing Nobyembre 10, 2023 ang Philadelphia Orchestra bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng una nitong pagbisita sa Tsina.
Mula noong taong 1973, gumawa ang Philadelphia Orchestra ng mahalagang ambag para sa pagpapalalim ng pag-uunawaan at pagkakaibigang Sino-Amerikano.
Noong 1973, bumisita sa unang pagkakataon ang orkestrang ito sa Tsina na naging “sugong kultural” sa pag-alis ng kahirapan sa relasyong Sino-Amerikano.
Pagkatapos nito, 12 beses na magkakasunod itong bumiyahe sa Tsina na hindi lamang sumaksi sa napakalaking pagbabaggo ng sirkulo ng musika ng Tsina, kundi ipinagpapatuloy ang pagkakaibigang di-pampamahalaan ng dalawang bansa.
Sa kanyang liham kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina bago ang pagbiyahe sa Tsina, ipinalalagay ni Matias Tarnopolsky, Presidente at CEO ng Philadelphia Orchestra, na ang performing tour ng kanyang orkestra ay hindi lamang sumasagisag ng pagpapalitang pangkultura sa mas malalim na antas, kundi nagiging itong mahalagang milestone ng relasyong diplomatiko ng Amerika at Tsina.
Sinabi niya na may espesyal na damdamin ang Philadelphia Orchestra at Tsina. Simbolo itong lakas ng pagkakaroon ng pag-uugnayan at pag-unawaan sa pagitan ng mga tao, saad pa niya.
Ipinadala kamakailan ni Xi ang liham kay Tarnopolsky kung saan inihayag ang mainit na pagtanggap ng Tsina sa mga aktibidad na pansining kasama ng iba’t ibang bansang kinabibilangan ng Amerika, para pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at Amerika at palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng buong mundo.
Umaasa aniya siyang magkakasamang magsisikap ang Philadelphia Orchestra at mga alagad ng sining ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Tsina at Amerika, upang mapasulong ang kasaganaang pansining at ipagpatuloy ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Amerika at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Sapul nang unilateral na ilunsad ng Amerika ang digmaang pangkalakalan laban sa Tsina noong 2018, grabeng lumalala ang relasyong Sino-Amerikano, at nagbunsod ng napakalaking pagkabahala ng komunidad ng daigdig sa “New Cold War.”
Umaasa ang mga tao na sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Philadelphia Orchestra, makakahulagpos ang relasyong Sino-Amerikano sa kahirapan.
Salin: Lito