Mga organo ng UN, ipinanawagan ang agarang pagtitigil ng atake sa mga ospital sa Gaza Strip

2023-11-13 15:19:48  CMG
Share with:

Ipinanawagan, Nobyembre 12, 2023 ng United Nations Population Fund (UNFPA), United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) at World Health Organization (WHO), ang pagsasagawa ng pangkagipitang pandaigdigang aksyon upang matigil ang tuluy-tuloy na pag-atake sa mga ospital sa Gaza Strip.

 

Anang pahayag, maraming mga bata ang nadadamay dahil sa nabanggit na mga pambobomba.

 

Nasarhan ang mga lansangan kung saan dumaraan ang mga tauhang medikal, sugatan, at iba pang may-sakit dahil sa mga pambobomba, dagdag ng pahayag.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio