Daambakal para sa konektibidad, itinayo ng kompanyang Tsino sa Bangladesh

2023-11-13 15:10:27  CMG
Share with:

 

Idinaos, Nobyembre 11, 2023, ang seremonya ng inagurasyon ng daambakal sa pagitan ng Dohazari at Cox's Bazar ng Bangladesh, isa sa mga priyoridad na proyekto ng bansa para palakasin ang konektibidad at imprastruktura ng transportasyon.


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh na sa loob ng mahabang panahon talagang kailangan ng rehiyon ang nabanggit na daambakal.


Kaya naman, kampante siyang ito ay simula ng bagong panahon pag-unlad ng rehiyon.


Ang naturang daambakal ay may habang 103.5 kilometro, at pinondohan ng Asian Development Bank (ADB).


Samantala, ang China Civil Engineering Construction Corporation (CCECC) at China Railway Group Limited (CREC) ang nagtayo nito.


Dumalo rin sa seremonya ng inagurasyon si Yao Wen, Embahador ng Tsina sa Bangladesh.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio