CMG Komentaryo: Nakatakdang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika, karapat-dapat asahan

2023-11-13 16:05:56  CMG
Share with:

Kapansin-pansing ang pag-init ng pagpapalagayang opisyal sa pagitan ng Tsina at Amerika nitong ilang araw na nakalipas.


Idinaos kamakailan ng kapuwa panig ang mga diyalogong tulad ng pagsasanggunian sa diplomatikong patakaran, pagsasanggunian sa mga suliraning pandagat, talastasan sa pagbabago ng klima, at pagsasanggunian sa pagkontrol sa armas at pagpigil sa paglaganap ng sandatang nuklear.


Ipinakikita ng mga ito ang positibong senyal na bumubuti ang relasyon ng Tsina at Amerika – bagay na nakapaglatag ng pundasyon para sa gaganaping pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika sa San Francisco, California.


Malalimang tatalakayin ng dalawang lider ang tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, at mga mahahalagang isyung may kaugnayan sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.


Ito ang unang pagkikita ng dalawang lider, sapul nang magtagpo sila sa Bali, Indonesya noong isang taon.


Umaasa ang buong daigdig na ang nasabing pagkikita ay magtatamo ng positibong bunga.


Samantala, dahil hindi naisakatuparan ang mga napagkasunduan sa Bali, naharap ang relasyong Sino-Amerikano sa kahirapan noong isang taon.


At dahil sa maling kaalaman at pagkaunawa ng mga politikong Amerikano sa Tsina, isinagawa nila ang maling patakaran sa bansa.


Noong unang hati ng 2023, mula sa “balloon political show,” hanggang sa panunulsol sa pagbisita ni Tsai Ing-wen, lider ng rehiyong Taiwan ng Tsina, sa Amerika, at paglilimita sa pagluluwas ng semiconductor sa Tsina, naging taliwas ang kilos ng panig Amerikano sa napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa.


Bilang resulta, napinsala ang kapakanang Tsino, at naging mahirap ang proseso ng diyalogong Sino-Amerikano.


Sa kontekstong ito, ang gaganaping pagtatagpo nina Xi at Biden sa San Francisco ay ibayo pang nagpapakita sa katapatan ng panig Tsino at mataas nitong atityud para sa mapayapang pag-unlad ng daigdig.


Umaasa ang panig Tsino na isasagawa ng panig Amerikano ang rasyonal at pragmatikong diyalogo upang patuloy na mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio