Ika-157 kaarawan ni Sun Yat-sen, ginunita ng Tsina

2023-11-13 15:29:16  CMG
Share with:


Isang seremonya ang itinaguyod Linggo, Nobyembre 12, 2023 sa Beijing ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), bilang paggunita sa ika-157 Kaarawan ni Sun Yat-sen, isang dakilang pambansang bayani at tagapagsimula ng demokratikong rebolusyon ng Tsina.

 

Ini-alay ng matataas na opisyal ng CPPCC, Komite Sentral ng Rebolusyonaryong Komite ng Kuomintang ng Tsina, United Front Work Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Munisipal na Pamahalaan ng Beijing ang mga bulaklak sa istatuwa ni Sun sa Zhongshan Park sa Beijing.

 

Nagbigay-galang din ang mga kinatawan ng mga komite sentral ng iba’t-ibang demokratikong partido, at mga personaheng walang kinaaanibang Partido ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio