Sa paanyaya ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, pupunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa San Francisco, Amerika mula Nobyembre 14 hanggang 17, 2023, para isagawa ang pagtatagpo ng pangulo ng dalawang bansa at dumalo sa ika-30 pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Sa kasalukuyan, handa na ang China Media Group (CMG) para isagawa ang coverage sa naturang pagtatagpo at APEC, sa pamamagitan ng mga media platform na gaya ng radio, TV at social media, at 58 dayuhang lengguawahe.
Dumating sa Amerika ang mahigit 180 mamamahayag ng CMG.
Habang nananatili ni Xi sa Amerika, itataguyod din ng CMG ang mga aktibidad ng pagpapalitang pansibilyan sa Amerika para mapasulong ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil