CGTN poll: Ang Bali consensus ay susi ng relasyong Sino-Amerikano

2023-11-14 16:51:30  CMG
Share with:

 

Ayon sa isang pinakahuling on-line poll na isinagawa ng China Global Television Network (CGTN), naniniwala ang halos 86% ng mga respondent na ang susi ng pananatiling malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay paggamit ng aktuwal na aksyon para isakatuparan ang komong palagay na narating ng pangulo ng dalawang bansa sa Bali island noong Nobyembre ng 2022.

 

Naniniwala ang halos 91% ng mga respondent na ang pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano ay paggalang sa isa’t isa at pantay na pakikipagtunguhan.

 

Ang naturang poll ay nilahukan ng mahigit 10 libong netizens sa mga plataporma ng CGTN sa wikang Ingles, Espasyol, Prenses, Arabe at Ruso.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil