Ipinahayag Nobyembre 13, 2023 ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na sa kasalukuyan, dapat buong sikap na katigan ng komunidad ng daigdig ang pagtatatag ng sona ng walang sandatang nuklear at malawakang pamuksang sandata (WMDs) sa Gitnang Silangan.
Aniya, ito’y mahalaga para sa pagpapasulong ng rekonsilyasyon at kooperasyon ng mga bansa sa rehiyong ito at proseso ng kapayapaan ng Gitnang Silangan.
Sinabi ni Geng na ang sandatang nuklear at WMDs ay malaking elemento na humahadlang sa pagtitiwalaan, kapayapaan at katatagan ng Gitnang Silangan.
Dagdag pa ni Geng na ang kapayapaan at seguridad ng Gitnang Silangan ay may kinalaman sa kapakanan ng mga bansa sa rehiyong ito at katatagan ng buong daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil