MOFA: Naipit na Tsino sa Gaza Strip, ligtas nang nailikas

2023-11-15 15:30:01  CMG
Share with:

 

Ipinahayag, Nobyembre 14, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ligtas nang nailikas mula sa Gaza Strip ang lahat ng mga naipit na Tsino sa lugar.

 

Dagdag niya, mahalaga ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino sa nasabing rehiyon ng sagupaan at laging nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga diplomatikong organo ng Tsina sa labas ng Gaza Strip.

 

Samantala, kinokondena aniya ng Tsina ang pag-atake sa gusaling panirahan ng mga UN staff sa timog Gaza.

 

Nakikidalamhati rin ang Tsina sa mga nasawi sa naturang insidente, saad niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio