Dumating ng San Francisco, Estados Unidos, Martes ng hapon, lokal na oras, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa paanyaya ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, lalahok si Pangulong Xi sa summit meeting ng Tsina at Amerika at dadalo sa Ika-30 Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Economic Leaders' Meeting mula Nobyembre 14 hanggang 17.
Ilang matataas na opisyal Amerikano at Tsino ang sumalubong kay Xi sa San Francisco International Airport, na kinabibilangan nina Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya, Gavin Newsom, Gobernador ng California, at Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Amerika.
Mainit din siyang binati ng mga overseas Chinese, kasama ng mga estudyanteng Tsinong nag-aaral sa ibayong dagat.
Iniwagayway nila ang mga pambansang watawat ng Tsina’t Amerika sa kahabaan ng lansangan mula paliparan.
Samantala, kasama sa entorahe ni Pangulong Xi ay sina Cai Qi, Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Wang Yi, Ministrong Panlabas at Miyembro rin ng Pulitburo ng Komite Sentra ng CPC.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Patnugot sa website: Ernest