Ika-7 Diyalogo ng Pamahalaan ng Laos at mga Kompanya ng Tsina, idinaos

2023-11-15 15:50:29  CMG
Share with:

Vientiane, Laos – Mahigit 100 kinatawan mula sa iba't-ibang ahensya ng pamahalaan ng Laos at mga kompanyang Tsino ang dumalo at nagtalakayan, Nobyembre 14, 2023 sa Ika-7 Diyalogo ng Pamahalaan ng Laos at mga Kompanya ng Tsina.


Anim (6) na kinatawan mula sa anim na kompanya o institusyong Tsinong tulad ng Laos-China Railway Co., Ltd. ang nagtalumpati tungkol sa 21 isyu sa 10 iba't-ibang larangan ng pamumuhunan at operasyon.


Nagdiyalogo rin ang dalawang panig tungkol sa maraming usapin, hamon at mga solusyon.


Ang nasabing diyalogo ay isang mahalagang plataporma, na unti-unting nagsisilbing daan sa pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng mga kompanyang Tsino at pamahalaan ng Laos.


Ang Ika-7 Diyalogo ng Pamahalaang Lao at mga Kompanya ng Tsina ay magkasamang itinaguyod ng Embahadang Tsino sa Laos at mga departamento ng pamahalaang Lao.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio