Wang Yi: Estratehiko, historikal at pamatnubay ang pagkakatagpo nina Xi at Biden

2023-11-16 14:39:19  CMG
Share with:

Pagkatapos ng pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart ng Amerika na si Joseph Biden sa Filoli Estate, San Francisco, Amerika, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagkakatagpo ng dalawang pangulo ay may katuturang estratehiko, historikal at pumapatnubay.


Sinabi ni Wang na ang pagtatagpong ito ay nakatawag ng malaking pansin, hindi lamang ng Tsina at Amerika, kundi maging sa komunidad ng daigdig.


Aniya pa, ito rin ay isang summit na may mahalagang estratehikong katuturan at malalimang impluwensya.


Saad ni Wang na ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa masusing panahon, at kinakailangan ng komunidad ng daigdig ang isang matatag na relasyong Sino-Amerikano. Kaya ang pagtatagpong ito ay magiging milestone ng kasaysayan ng relasyon ng dalawang bansa at mahalagang kaganapan ng kasalukuyang pandaigdigang relasyon, ani Wang.


Kaugnay ng pagpapatatag at pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano, ipinahayag ni Wang na komprehensibong inihatid ni Xi kay Biden ang paninindigang Tsino na kinabibilangan ng magkasamang pagtatatag ng tamang pakikitungo at pag-uunawaan sa isa’t isa, magkasamang mabisang paghawak at pagkontrol sa mga hidwaan, magkasamang pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, magkasamang pagsasabalikat ng responsibilidad bilang malalaking bansa, at magkasamang pagpapasulong ng pagpapalitan ng kultura at tao-sa-tao.


Bukod dito, saad pa ni Wang na tinakalay nina Xi at Biden ang pagharap sa mga hamong pandaigdig na gaya ng sagupaan ng Palestina at Israel, krisis ng Ukraine, pagbabago ng klima at artificial intelligence (AI).


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade