Nagtagpo Nobyembre 15, local time, sa Filoli estate sa San Francisco, Amerika, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika.
Tinukoy ni Xi, na nitong isang taong nakalipas sapul nang magtagpo sila sa Bali, Indonesya, naganap ang maraming pangyayari. Halimbawa aniya, natapos ang pandemiya ng COVID-19, pero umiiral ang malaking epektong dulot ng pandemiya. Bumabangon naman ang kabuhayang pandaigdig, pero mahina ang lakas, nagugulo ang mga kadena ng industriya at suplay, at lumalala ang proteksyonismo. Namumukod aniya ang mga problemang ito.
Diin ni Xi, bilang pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, dapat isaalang-alang at planuhin ang relasyong Sino-Amerikano sa background na bumibilis ang pagbabago ng kalagayan ng daigdig, para ibigay ang kabiyayahan sa mga mamamayan ng kapwa bansa at isabalikat ang responsibildad sa progreso ng sangkatauhan.
Tinukoy ni Xi, na nitong mahigit 50 taong nakalipas, hindi walang sagabal ang relasyong Sino-Amerikano, kinakaharap nito ang ganito o ganoong mga problema, at umuunlad ito sa pataas-pababa.
Aniya, para sa dalawang malalaking bansa tulad ng Tsina at Amerika, hindi isang pagpili ang pagputol ng pag-uugnayan ng dalawang bansa, hindi makatotohanan ang kagustuhan ng isa ng baguhin ang iba, at hindi katanggap-tanggap para sa kapwa ang sagupaan at komprontasyon.
Sinabi ni Xi, na konsistente ang kanyang pananaw na hindi pangunahing tunguhin sa panahong ito ang kompetisyon sa pagitan ng malalaking bansa, at hindi nito malulutas ang mga isyung kinakaharap ng Tsina at Amerika o buong daigdig. Malaki aniya ang planetang mundo para sa Tsina at Amerika, at ang tagumpay ng isa ay pagkakataon para sa iba.
Tinukoy ni Xi, na obdiyektibong katotohanan ang pagkakaiba ng Tsina at Amerika sa kasaysayan, kultura, sistemang panlipunan, at landas ng pag-unlad. Pero aniya, kung igigiit ng dalawang bansa ang paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon, kayang kaya nilang panaigin ang pagkakaiba, at makita ang tumpak na paraan ng pakikitungo sa isa’t isa. Ipinahayag din niya ang pananalig sa maliwanag na kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag ni Xi, bilang mga tagapatnubay ng relasyong Sino-Amerikano, isinasabalikat niya at Biden ang mabigat na responsibilidad para sa mga tao, daigdig, at kasaysayan. Umaasa aniya siyang sa pagtatagpong ito, malalim silang magpapalitan ng palagay tungkol sa mga isyung may estratehiko, pangkalahatan, at pundamental na kahalagahan sa relasyong Sino-Amerikano, at mga pangunahing isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at magkakaroon ng mga bagong komong palagay.
Editor: Liu Kai