Kaugnay ng kalagayan at bunga ng pagtatagpo sa San Francisco nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, ipinahayag Nobyembre 16, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pagtatagpong ito, matapat at malalim na nagpalitan ng kuru-kuro ang mga lider, ibayo pang nagtalakayan tungkol sa tumpak na landas ng pakikipamuhayan ng Tsina at Amerika sa hinaharap, at ibayo pang nilinaw ang responsibilidad ng dalawang bansa bilang malalaking bansa sa daigdig, bagay na nakapagbigay-direksyon para sa malusog, matatag, at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Sinabi ni Mao na ito ay isang positibo at konstruktibong pagtatagpo na may estratehikong katuturan at pangmalayuang impluwensiya na naging malaking pangyayari sa kasalukuyang relasyong pandaigdig at magiging milestone sa kasaysayan ng relasyong Sino-Amerikano.
Ani Mao, komprehensibong inilahad ni Pangulong Xi ang awtorisadong posisyon ng panig Tsino sa pagpapatatag at pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano, at iniharap ang 5 mungkahi para rito.
Dagdag niya, ang pagtatagpo sa San Francisco ay dapat maging bagong umpisa sa pagpapatatag ng relasyong Sino-Amerikano.
Dapat ibayo pang patatagin ng kapuwa bansa ang pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano upang mapasulong ang malusog, matatag, at sustenableng pag-unlad ng kapuwa bansa, diin pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Ramil