Xi kay Biden: may malaking responsibilidad sila para sa mga mamamayan, daigdig at kasaysayan

2023-11-16 12:06:34  CMG
Share with:


Sa pakikipagtagpo Miyerkules (local time), Nobyembre 15, 2023 sa Filoli Estate sa San Francisco kay Pangulong Joe Biden ng Amerika, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na bilang mga namumuno sa relasyong Sino-Amerikano, isinasabalikat niya, kasama ni Pangulong Biden, ang malaking responsibilidad para sa mga mamamayan, daigdig at kasaysayan.

 

Inaasahan aniyang malalimang makikipagpalitan ng kuru-kuro kay Pangulong Biden, at magkakaroon ng bagong komong palagay, kaugnay ng mga estratehikong isyung may kinalaman sa relasyong Sino-Amerikano, pati na rin ng malalaking isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil