Sa pagtatagpo, Nobyembre 16, 2023 (lokal na oras), sa San Francisco, Amerika nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, sinabi ng pangulong Tsino, na patuloy na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mabunga ang mga aktuwal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at nananatiling mainam ang kooperasyon sa mga usaping panrehiyon at pandaigdig.
Ito aniya ay nagbigay ng positibong ambag para sa katatagan, kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng Asya Pasipiko.
Dagdag ni Xi, ang taong 2023 ay ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina’t Brunei, kaya naman, kasama ng Brunei, nakahandang isulong ng Tsina ang bagong progreso sa bilateral na relasyon, at dekalidad na kooperasyon sa Belt and Road Initiative (BRI) para maibigay ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil