Isang nakasulat na talumpati ang binigkas Nobyembre 16 (lokal na oras), 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit na idinaos sa San Francisco, Amerika.
Tinukoy ni Pangulong Xi na 30 taon na ang nakararaan, idinaos ng mga lider sa rehiyong Asya-Pasipiko ang unang APEC Summit na nakakapagpasulong ng pag-unlad ng rehiyon at globalisasyong pangkabuhayan.
Ipinagdiinan niya na sa susunod na 30 taon, dapat igiit ng mga bansa sa rehiyon ang orihinal na aspirasyon ng APEC upang mapasulong pa ang kooperasyon sa Asya-Pasipiko.
Dapat aniyang magkakasamang pangalagaan ng mga bansa sa rehiyon ang layunin at prinsipyo ng “Karta ng United Nations (UN),” at igiit ang diyalogo sa halip ng konprontasyon para mapangalagaan ang kasaganaan at katatagan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Ani Xi, dapat igiit ng rehiyon ang pagbubukas, at buong tatag na pasulungin ang proseso ng sona ng malayang kalakalan sa Asya-Pasipiko para mapasulong ang konektibidad ng kabuhayan ng iba’t-ibang bansa at maitatag ang bukas na kabuhayang Asya-Pasipiko tungo sa kooperasyon at panalu-nalong resulta.
Dapat ding palakasin ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, at pasulungin ang malalim na koneksyon ng digital at real economy para makalikha ng bukas, pantay, makatarungan, at walang-diskriminasyong kapaligiran ng kaunlarang pansiyensiya’t panteknolohiya, saad ni Xi.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na spaul nang pumasok sa kasalukuyang taon, walang patid na bumubuti ang kabuhayang Tsino, at matatag na sumusulong ang de-kalidad na pag-unlad ng bansa.
Diin niya, may kompiyansa at kakayahan ang Tsina sa pagsasakatuparan ng pangmatagalan at matatag na pag-unlad para patuloy na magkaloob ng mga bagong puwersang tagapagpasulong at pagkakataon sa buong mundo.
Igigiit ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mataas na lebel, at patuloy na ipagkakaloob ang mabuting serbisyo sa lahat ng dayuhang mamumuhunan sa Tsina, diin pa niya.
Salin: Lito